Devotion to the Agonising Sacred Heart of Jesus for a Happy Death
From Novena to St. Raymond Nonnatus (Tagalog), 1910 Tools
DEVOCION
Source
| Printed in | Novena to St. Raymond Nonnatus (Tagalog) |
|---|---|
| Imprint | Manila, none printed as publisher; printer is Tipografía de Sto. Tomás (Manila), 1910 |
| Scan | the Internet Archive copy |
| Approval | Title page, undated: "MAY LUBOS NA CAPAHINTULUTAN" ("with very ample permission"); no name, date or censor printed on the title page itself. Leaf-0005, Secretaría del Arzobispado de Manila, "Manila 31 de Diciembre de 1909", signed IGNACIO TAMBUNGUI: licence and authorisation granted to Dª Melchora Jiménez to reprint and publish the booklet "Pagsisiam sa malouālhating Santo na si San Ramón Nonato", after examination by M.R.P. Fr. Ulpiano Herrero O.P., censor de tagalo of the Archdiocese, who found nothing contrary to sound morals and Catholic dogma; two printed copies to be sent to the Secretaría; original archived. Price printed: Dros. P 2'00. |
| Indulgence | Sa pagdarasal nan alin man sa dalauang naturang panalangin, cailan man at tuina,i, macapag cacamit tayo nang isang daang arao na indulgencia, ó uacas sa casalanan, sapagca,t, siyang caloob nang ating Santo Pap ng si Pio IX niyaong taon 1850. Cun dasalin natin ang manga naturang panalangin macaitlo mag hapon arao arao sa boong isang buan, sa halimbaua sa umaga, hapon at gabi, bucod sa nasab ng isang daan arao na indulgencias, ay magcacamit naman tayo nang isang indulgencia plenaria minsan sa loob nang buang yaon. Cun tayo ay mangumpisal nang tapat at pumaroong dumalao sa isang simbahan, at doon ipanalangin ang Santo Papa. Ang manga nasabing indulgencia,i, maipatutungcol natin sa caguinhauahan nang manga calulua sa Purgatorio, sapagca,t, siyang calooban nang naturang Santo Papa. |
| Transcription | Transcribed from the scan of the 1910 edition. |
| Rights | Public domain in the United States. |
- Prayers for
- a happy death, the dying, forgiveness of sins, mercy
Angel Holding the Sacred Heart, hand-coloured woodcut, Low Countries, 1490–1510. Rijksmuseum.
SA NAG HIIINGALONG PUSÔ NI JESUS.
Dalauang bagay ang quina u-uian nang devocióng ito: ang una,i, ang pagbibigay puri sa mahal na pusô ni Jesús na sa boong buhay niya,i, nag tiis nang di mamagcanong cahirapan, lalong lalo na sa panahon nang mahal niyang Pasión, at ang naguing dahil nitong madlang hirap ay ang cagalingan ng manga calulua.
Ang icalaua,i, nang macamtan ang magandang camatayan nang ualong pung libong mahiguit cumulang na namamatay sa arao arao alang alang sa carapatan nang matagal niyang paghihingalo.
PANALANGIN.
SA ARAO ARAO NANG BIG-YAN NI JESUS NANG MAGANDANG CAMATYAN ANG MANGA NAG HIIINGALO.
O ma-auaing Jesus, na totoong nag aalab sa pagsinta sa manga calulua, alang alang sa hapis nang camahalmahalang pusô mo, niyong nag hihingalo ca sa Cruz at sa mga casaquitan nang calinislinisang Ina mo, iniaamo co sa iyong hugasan mo nang mahal na dugo ang manga casalanang lahat nang nag hihingalo at mamatay ngayon. Siya naua.
O catamis tamisang pusô ni Jesús na nag hingalo ca sa Cruz, nang masacop mo cami, caauaan mo ang macasalanan papanao ngayon sa buhay na ito. Siya naua.
INDULGENCIAS.
Sa pagdarasal nan alin man sa dalauang naturang panalangin, cailan man at tuina,i, macapag cacamit tayo nang isang daang arao na indulgencia, ó uacas sa casalanan, sapagca,t, siyang caloob nang ating Santo Pap ng si Pio IX niyaong taon 1850. Cun dasalin natin ang manga naturang panalangin macaitlo mag hapon arao arao sa boong isang buan, sa halimbaua sa umaga, hapon at gabi, bucod sa nasab ng isang daan arao na indulgencias, ay magcacamit naman tayo nang isang indulgencia plenaria minsan sa loob nang buang yaon. Cun tayo ay mangumpisal nang tapat at pumaroong dumalao sa isang simbahan, at doon ipanalangin ang Santo Papa.
Ang manga nasabing indulgencia,i, maipatutungcol natin sa caguinhauahan nang manga calulua sa Purgatorio, sapagca,t, siyang calooban nang naturang Santo Papa.
Manualist Press is a small family press. If these pages help you pray, you can support the work.